Calapan City Media Network, binuo sa lungsod

POSTED: Friday, November 28th, 2014

CCNN, muling naghalal ng mga bagong opisyales

 

Dahil naniniwala ang Pamahalaang Lungsod sa kakayahan at pagiging makatotohanan sa pagpapalaganap ng patas na balita ng mga mamamahayag ay muling binigyang pansin ang samahang itinatag at sinuportahan n’ya noong nakalipas na taong 2013 – ang Calapan City News Network (CCNN).

Muling binuo at naghalal ng mga bagong opisyales ang CCNN, na ngayoy’y pinalitan na ang pangalan bilang Calapan City Media Network (CCMN), na silang magiging katuwang ng pamahalaang lungsod sa pagsusulong ng mga impormasyon para sa magagandang adhikain para sa taong bayan.

Ang mga bagong opisyales at mga kasapi nito ang magsisilbing tagapagpadaloy at tagapaghatid ng mga kaganapan sa lungsod ng Calapan nang walang pag-aalinlangan o pagpanig kaninuman.  Nais din ipaalam dito na hindi sinasaklawan ng pamahalaang lungsod ang karapatan para sa malayang pamamahayag ng bawat kasapi dito.

Ang mga bagong halal na mga opisyales ng CCMN ay sina: Joe Leuterio (publisher/editor ng Mindoro Bulletin) bilang president; Leo de Leon, Jr. (CMN News), vice-president; Marie Cris D. de Jaro (publisher-editor ng Island Profiles) – secretary; Melissa Francisco (ng TV Net News Line) – treasurer; Dennis Pio C. Nebrejo (disk jockey-announcer ng DWOM 105.5 at reporter ng Mindoro Bulletin) – auditor; at Rene M. Barcelona (correspondent ng GMA 7) bilang P.R.O.

Ang board of directors naman ay pinangungunahan ng: chairman na si Juancho R. Mahusay (publisher/editor-in-chief ng Mindoro Star at correspondent ng Philippine Star) at mga direktor na sina: Jerry Alcayde (Manila Bulletin), Rey Jandusay (DWIZ), Junard Acapulco (editor-in-chief ng Mindoro Filipino Update), at Honrado “Ding” Vega (station manager ng DWOM-FM).

Ayon naman sa bagong halal na pangulong si Leuterio, nais niyang magkaroon ng kooperasyon ang bawat isang kasapi ng CCMN para sa isangmas matatag na samahan ng media sa lungsod ng Calapan.  Sisikapin aniya na mapabilang at mga meyembro nito sa National Press Club (NPC) at magkaroon ng national newspapers na pagsusulatan ang ibang CCMN members na wala pang national affiliation upang hindi lamang sa Calapan o sa lalawigan ng Oriental Mindoro nababasa ang mga artikulo ng mga ito kundi sa iba pang kapuluan.  Gayundin ang maging kasapi ng Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas (KBP) para sa mga nagpo-programa sa radyo at telebisyon.

Samantala, inaasahan na sa darating na huling linggo ng Nobyembre ay isasagawa ang panunumpa ng mga bagong halal at kasapi ng CCMN kasabay ang pagdaraos ng unang press conference.  At habang isinusulat ang balitang ito, isinasaayos na rin ang pagpapa-rehistro ng CCMN sa Securities and Exchange Commssion (SEC). (Ni Marie Cris D. de Jaro)

Share

Leave a Reply

Connect with Facebook

*