Mga negosyo at kalakal, naa-attract nang pumasok sa lungsod

POSTED: Wednesday, November 26th, 2014

Sa pagiging ‘most business-friendly’ ng Calapan City

 

 

Dahil sa pagkaka-deklara ng lungsod ng Calapan kamakailan bilang “Hall of Famer” sa pagiging “Most Business-Friendly City” sa bansa, nadadagdagan pang lalo ang pumapasok o naa-attract na maglagak ng kani-kanilang negosyo sa lungsod na ito.

 

Sinabi pa ni Mayor Arnan C. Panaligan, sa kanyang mensahe sa programa ng Census of Philippine Business and Industry (CPBI) kamakailan, na malaking dahilan, o factor, ng pagiging “most business friendly city” ng Calapan ay ang magandang pamamalakad o best practices ng lokal na pamahalaan dito gaya ng pagpapababa ng mga bayaring buwis, mas mababang regulasyon, mabilis na proseso ng pagbibgay ng mga permit, maayos na kinakailangang imprastraktura at iba’t iba pang insentibong mapa-pinansyal o kakaunting napirma sa mga negosyong nagnanais maglagak ng kanilang puhunan dito.

Kamakailan lamang ay iniluklok na ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) ang Calapan City sa “hall of fame” dahil sa ikatlong sunud-sunod nation nito bilang isa sa mga most business-friendly cities sa bansa.

Ayon pa kay Mayor Panaligan, sa ilalim ng kanyang administrasyon ngayon, sinimplehan na ang mga regulasyon at inalis na ang mga bagay na magpapabagal sa paglalagay ng isang negosyo sa Calapan.  Nagbunga aniya ito ng paggagawad ng “Seal of Good Governance” sa lungsod, pagtaas ng kita nito at paglago ng ekonomiya.

At sa kabila nito, patuloy pa rin  umano ang suporta ng pamahalaang lungsod sa mga maliliit na negosyante o ang small and medium enterprises (SMEs).

Ang nasabing mga paglalahad ay bahagi ng okasyon ng CPBI, ang grupo na nagsasagawa ng mga pagsasaliksik, pag-aaral at nangangalap ng mga datos kaugnay ng mga negosyo at nagbibigay ng tamang panuntunan sa mga ito para sa mas maayos na tahakin ng ekonomiya, kasabay ng paglalaan ng mas maraming trabaho o hanapbuhay sa komunidad.  (JRM/CIO Print and Broadcast Division)

Share

Leave a Reply

Connect with Facebook

*