Pangangalaga sa kalikasan, pangunahin sa MPA Day

POSTED: Thursday, November 6th, 2014

Sa bisa ng Executive Order No. 7 Series of 2013 na ipinalabas ni Mayor Arnan C. Panaligan ay idineklara ang ika-4 ng Oktubre bilang Marine Protected Area (MPA) Day kaalinsabay ng paggunita sa Santong Patron ng kalikasan na si St. Francis of Assisi.

Naging matagumpay ang pagdiriwang ng MPA Day sa pakikipagtulungan ng mga LGU at mga NGO’s sa pangunguna ng City Government of Calapan at FMO, Calapan City Tourism, SNPS, HPMC, DepEd, CENRD, Provincial Government of Oriental Mindoro at SICAD, MALAMPAYA Foundation, Conservation International- Philippines.

Bago ang mismong araw ng naturang okasyon ay naunang isinagawa noong ika-3 ng Oktubre sa Brgy. Lazareto ang isang symposium na tumalakay sa Health, Environment, MPA at climate change sa hatid ng PAgO–Coastal Resource Management Division, MALAMPAYA Foundation, Conservation International- Philippines at Peace Corps volunteers. Dito ay tinalakay ang kahalagahan ng tatlong ecosystems sa karagatan, ang mangroves, coral reefs at sea grasses.

Mahalaga ang tatlong ecosystems na ito para sa pangkaligtasan at mapagkukunan ng pagkain ng mga tao. Ang mangrove at korales ay nakababawas ng direktang epekto ng kalamidad sa pamayanan at sinasabing nasa 172 uri naman ng mga isda ang matatagpuan sa mga damong-dagat.

Samantala iminungkahi naman ng PAgO ang pagkakaroon ng Budget Allotment for Coastal Resource Management ang mga munisipyo at siyudad upang gamitin naman sa Logistic Support for Volunteers, MPA Managers at Environmental Laws, Regular Patrolling, Maintenance of Boundary Markers for Management Zones,   Management Activities like collection of crown-of-thorns, coastal clean-up, beach forest rehabilitation at mangrove reforestation.

Naging tampok din sa pagdiriwang ang Poster Making Contest na may temang “Masiglang MPA, Kaagabay para sa Isang Malusog at Matiwasay na Pamayanan” na nilahukan ng apat na Paaralang Pangsekondarya ng Cereaco A. Abes Memorial National Highschool, Parang National Highschool, Holy Infant Academy at Oriental Mindoro National Memorial Highschool. Dito ay nagwagi sina Alexandra Ruth Ramos-1st place, Joshua Amorado-2nd place at Reyden Emmanuel Rayos-3rd place. Nagkaroon din ng Fun Run mula sa Brgy. Silonay hanggang Brgy. Lazareto. Dito ay nagwagi sina Jemis Dondon Sanchez-1st prize, Armando Obando-2nd prize at Lorenzo Galendez-3rd prize.

Ang Mangrove Tree Planting sa Silonay Mangrove Conservation and Ecopark at Coconut and Talisay Planting sa Brgy. Lazareto ay isa din sa tampok sa okasyon. Nakilahok naman sa Coastal Clean-up sa baybayin ng Lazareto ang mga miyembro ng Harka Piloto Management Council, Brgy. Council of Lazareto, KBG, BD, FMO at CENRD.

Patuloy ang mga programang isinasagawa ng Administrasyon ni Mayor Panaligan para sa pangangalaga ng Harka Piloto Fish Sanctuary at Silonay Mangrove Eco-Park upang patuloy na makapaghatid ng direktang kapakinabangan at magbigay ng karangalan sa lungsod. Binigyang papuri naman ng pamunuan ng PAGO ang Pamahalaang Lungsod dahil sa pagiging natatanging bayan sa lalawigan na may Fisheries Management Office at nakatakdang araw para sa MPA.( Ni Junard Acapulco)

Share

Leave a Reply

Connect with Facebook

*