Paglilinis at pagpapalalim ng ilog ng Calapan, patuloy na umuusad

POSTED: Friday, August 22nd, 2014

Naaayon sa city flood mitigation program, pinondohan ng P2.1 milyon, patuloy na umuusad ang matagal nang hinihintay na paglilinis at pagpapalalim ng ilog ng Calapan sa inisyatibo ng Administrasyong Panaligan.

 

Matapos mabinbin ang pagpapalalim ng Calapan River dahil na rin sa rechanneling ng Bucayao River, sa wakas natugunan na ang unti-unting pagsikip at pagbabaw ng ilog na nagiging sanhi ng palagiang pagbaha sa iba’t ibang barangay sa lungsod.

Siniguro naman ni City Program for Infrastracture Engr. Monette Geronimo, na patuloy ang pag-usad ng proyekto, gamit ang back hoe at barge na siyang naghuhukay sa kahabaan ng ilog, idagdag pa ang Dredging Machine o Watermaster na kasalukuyang ginagamit din sa nasabing operasyon.

Personal namang bumisita sa nasabing pagawain si Mayor Arnan upang aktwal nitong makita ang pag-usad ng proyekto na mahalaga aniya para sa maayos na pagdaloy ng tubig sa ilog upang maiwasan ang matagal na pagbaha sa panahong dumating ang tag-ulan.

Una namang isinagawa ang paghuhukay at paglilinis sa bahaging tulay ng Barangay San Vicente hanggang Lumangbayan bilang phase 1 ng proyekto na tumagal ng animnapung araw na operasyon na nagsimula buwan ng Marso hanggang Hunyo kung saan tinatayang nasa 1700 linear meters ang haba ng isinagawang paghuhukay.

Ganunpaman, matapos naman ang phase 1 ng proyekto, isusunod na ang 2nd phase nito sa bahagi naman ng Barangay Camilmil hanggang tulay ng Lalud na inaasahang uusad ngayong buwan ng Agosto na popondohan naman ng tinatayang mahigit sa P1.5 milyon. (CIO-Print & Broadcast Division)

Share

Leave a Reply

Connect with Facebook

*