Pagkatha ng asosayon para sa mga Food Services Sector sa lungsod, tinutukan ng Calapan City Tourism Department

POSTED: Friday, August 22nd, 2014

Ang magkaroon ng legal na presentasyon para sa pagpa-plano at boses sa tourism industry. Ito ang pangunahing layunin ng pagbalangkas at pagkatha ng asosasyon para sa mga Food Services Sector sa siyudad, sabi ni City Tourism Officer Christian Gaud.

Dalawampung partisipante mula sa sektor ng restaurants at café owner’s ang nakilahok sa nasabing gawain nitong buwan ng Hulyo kung saan sa inisyal na pagpupulong, bumuo ang samahan ng core group na binubuo ng siyam na miyembro ng nasabing asosasyon, at dito magmumula ang mga tatayong opisyal ng naturang asosasyon.

Kinabibilangan naman nina John Michael Alcazar ng Cargo Burger, Ma. Theresa Alcancia ng Anahaw Island Café, Mayvel Ortega ng Vencio’s Garden, Jasmin Garcia ng Mabuhay Panciteria, Marlon Tolentino mula L & V Restaurant, Ian Dela Cruz ng Ella’s Cupcake, Nestor Torino ng Roberto’s Restaurant, Emma Dela Torre ng Halcon’s Bar & Restaurant at Veejay De Jesus mula sa Daisuki Na Aji (Japanese Restaurant) ang nasabing siyam na miyembro ng kinathang core group.

Matapos ang pagbuo ng samahan, asahan ayon kay Gaud ang aktibong partisipasyon at ayudang maitutulong ng Pamahalaang Lungsod sa inisyatibo ni Mayor Arnan Panaligan sa patuloy pang pagpapalago ng nasabing sektor sa aspetong pagkakaloob ng maayos at de-kalidad na serbisyo pagdating sa customer service, food safety management at promosyon ng kanilang sector tungo sa mas maunlad na ekonomiya ng syudad.   (CIO-Print & Broadcast Division)

 

Share

Leave a Reply

Connect with Facebook

*