Calapan, isa sa mga nangunguna sa peace and order sa MIMAROPA

POSTED: Friday, August 22nd, 2014

Ayon kay Col. Cansilao

 

Isa sa maipagmamalaki ng Calapan City ay ang pagiging isa nito sa mga nangunguna sa peace and order situation sa kasalukuyan sa buong MIMAROPA Region 4B.

 

Ito ang highlight ng naging ulat kamakailan ni P/Supt. Glicerio C. Cansilao, hepe ng pulisya sa lungsod, sa kabila ng pagkakaroon sa kasalukuyan ng Calapan PNP Station na mayroong lamang na 122 personnel, siyam (9) dito ay Police Commissioned Officers at 113 Police Non- Commissioned Officers na may kanya-kanyang ranggong kinabibilangan at nakaatang na gawain.

Base sa police- population ratio, ang Calapan CPS ay may ratio lamang na isang police sa bawat 1,017 Calapeños (1:1,017). Sa bagong imbentaryo ay mayroon lamang 19 na long firearms at 71 short firearms ang kapulisan dito. Mayroon ring 5 patrol cars na nagagamit at 8 radio para sa mabilisang komunikasyon. Subalit dahil ang Calapan City ang may malawak na nasasakop at may pinakamalaking bilang ng papulasyon ay hindi sapat ang lahat ng ito para sa mabilisang pag-responde sa bawat insidente kaya mahigpit ang kanilang paghingi ng tulong sa pamamagitan ni Mayor Arnan C. Panaligan sa City Public Safety Department lalo na sa mga aktuwal na operasyon lalo na kapag may disaster o mga sitwasyong biglaan.

Sa talaang ipinakita ng mga ito, ilan sa mga operational accomplishements ng PNP ay Accomplishment on PIPS and Oplan Katok. Nakapagsagawa ng 281 Checkpoints at Oplan Sita na nagtala ng 36,182 man-hours of Traffic Management at 28,599 man-hours of Foot/ Mobile Patrol kung saan sa koordinasyon ng iba’t ibang ahensya tulad ng Land Transportation Office (LTO) at City Traffic Management Office (TMO). Ang Calapan CPS ay nakapagtala din ng total apprehensions of 661 violation sa TOP/TCT violators of City Ordinance and R.A. 4136.

Ang kanilang tanggapan din ang nagbigay abiso upang mai-renew ang kanilang licensed firearms na may kabuuang 1,024 expired/revoked firearm licenses sa lungsod. Bukod sa mga ito ay mayroon rin silang naitalang 71 licenses renewed, 52 firearms were sold but not transferred, 37 firearms were lost, 20 firearms were surrendered/safekeeping at 1 firearm na nailipat ang pagmamay-ari.

Ang CPS ay mayroon rin 10 VIP Security Assistance sa iba’t ibang dignitaries at 111 Police security Assistance sa iba’t ibang national at local events and activities na nasasakop ng AOR (area of responsibility).

Sa Kontra Boga Charlie, tatlo ang kompiskadong baril na kanilang naitala, samantalang Dalawang (2) kaso ng Sensational Murder na kung saan ay magkaparehas na media practitioners ang kanilang nai-file na ang kaso ng mga suspek dito.

Sa Republic Act 9165, mahigpit itong tinututukan sa lungsod dahil ayaw ni Mayor Panaligan na dumami ang adik at tulak kaya mahigpit ang ginagawang kampaya laban sa mga iligal na droga. Sa pamumuno ni Colonel Cansilao mula nang siya ang maitalagang hepe ng kapulisan sa lungsod ng Calapan ay naging mahigpit ang panghuhuli nila sa usaping droga. Apat na ang nasampahan ng kaso at kasalukuyang pinagdudusahan ang kasong nilabag sa batas, at isa naman ang nakasuhan sa paglabag sa RA 10591 (Illegal Possession of Firearms).

Mahigpit din ang kampanya laban sa mga wanted persons dahil sa kasalukuyan ay mayroong 45 wanted persons ang may warrant of arrest ng iba’t ibang kaso ang kanilang kakaharapin sakaling madakip ang mga ito ng mga alagad ng batas. (CIO-Print & Broadcast Division)

Share

Leave a Reply

Connect with Facebook

*