14,155 card holders, 70,775 beneficiaries mayroon na ang Gold Card ng Calapan

POSTED: Friday, August 22nd, 2014

 

Target ng pamahalaang lungsod, sa pamumuno ni Mayor Arnan C. Panaligan, na makapagbigay ng 15,000 cardholders at 75,000 beneficiaries ng Gold Card sa taong 2014 sa kanyang mga kababayang Calapeño. Pero simula pa lamang noong buwan ng Pebrero hanggang sa kasalukuyan ay pumapalo na sa 14,155 cardholders at 70,775 benepisyaryo ang naturang health o gold card.

 

Ayon kay Gold Card Program Manager Julie Paduada, malaki ang naging kaibahan nito sa dating health card dahil malaking benepisyo ang nasasakop nito, 100% na binago ni Mayor Arnan ay ang medisina at laboratoryo sapagkat dinoble at mas pinalawak ang nakukuhang benepisyo dito.

 

Malaking kaibahan din, ani Paduana, sa nakalipas na health card dahil ang target noon ay 20 cardholders lamang sa bawat barangay ang pagbibigay sa 1st batch nito. Sa ngayon ay nagbigay ng Gold Card sa 100 benepisyaryo sa unang batch pa lamang kada barangay at iba’t ibang sektor at samahan.

 

Kasalukuyan na ring nagbibigay ang kanilang tanggapan para sa 2nd batch ng mga benepisyaryo, kaya naniniwala si Paduada na sa termino ni Mayor Arnan ay mabibigyan lahat ng Gold Card ang lahat ng Calapeño na nangangailangan nito. At ang target na 15,000 cardholders ay kayang bigyan hanggang buwan ng Agosto.

 

May nakalaang P10M na pondo ang pamahalaang lungsod para sa naturang Gold Card.

 

Base naman sa record, noong buwan ng Pebrero ay nakapagtala ang Gold Card ng P212,000 ayuda sa mga naging pasyente sa iba’t ibang hospital at simula noong buwan ng Marso hanggang buwan ng Hulyo ay nagkaroon ng kabuuang tulong ang Gold Card sa mga pasyente ng halagang P924,021.22 at natulungan ang mahigit 1,500 pasyente kada buwan na taga-Calapan.

 

Bukod sa residente ng 62 barangay sa lungsod ay nakapagbigay ulit ang tanggapan ng Gold Card para sa second batch sa iba-ibang sektor at samahan tulad ng Laz-Toda, Sampaca, fisherfolks, roving market vendors, Hospital of the Holy Cross Staff, Tamaraw Dirt Riders, Lalud barangay officials, Little Angel Staff, Pastor’s Association, OM – Motorcycle Rider’s Club, SP-Casual Employee, Pamana Homes Owner’s Association, Sto. Niño Parish & Lay Ministers, Holy Infant Academy at halos araw-araw ay may humihingi na walk in.

 

Matatandaan, sinabi ni Mayor Arnan na sa pamamagitan ng Gold Card ay maipadama nito sa kanyang mga kababayan ang pagkalinga ng pamahalaan, hindi man ito magamit, ang mahalaga may pansagip sa oras na kailangan. (CIO-Print & Broadcast Division)

 

Share

Leave a Reply

Connect with Facebook

*