Ginagawang Calapan River Park future attraction sa lungsod

POSTED: Friday, June 27th, 2014

 

 CALAPAN CITY – Isinasagawa na ngayon sa lungsod na ito ang isang hindi nga maituturing na malaking proyekto ng pamahalaang lungsod ng Calapan subalit inaasahang magbibigay ng impact o magandang atraksyon dito sa hinaharap.

 

Calapan River Project

 

Ito ang bisyon sa kasalukuyang proyektong konstruksyon ng Calapan River Park sa harap ng Hawkers’ Plaza sa Calapan City Public Market.

 

Sa paliwanag ni Calapan City Mayor Arnan C. Panaligan, hindi nga maituturing na malaking proyekto ito subalit ang konstruksyon ng River Park sa likod ng pamilihang bayan ay may apat na mahalagang layunin.

 

Una, ito ay magsisilbing showcase ng ngayo’y Calapan River Rehabilitation and Revival Program.  Pangalawa, kahit sa maliit na paraan ay madadagdagan ang mga parke at open spaces sa lungsod na puwedeng tigilan ng mga tao bilang pasyalan o recreation area.  Pangatlo, isang paraan umano ito upang mapalawak ang kamalayan ng mga taga lungsod, lalo na ang mga kabataan, sa kahalagahan ng ating ilog at ng pangangalaga ng tubig sa ilog na nabanggit.

 

Pang-apat na layunin ng proyekto ay kung may River Park sa harap ng Hawkers’ Plaza, isang paraan ito upang mahikayat ang mga tao na pumasyal sa Calapan City Public Market at mamili.

 

Samakatuwid, ang simpleng proyektong ni Mayor Panaligan ay isang istratehiya upang matamo ang mga nasabing mahahalagang layunin.(Ni JUANCHO R. MAHUSAY)

 

Share

Leave a Reply

Connect with Facebook

*