2ID Defense Press Corps, binuo

POSTED: Friday, June 27th, 2014

Oriental Mindoro reporters na sina Mahusay at Veluz, nahalal na direktor

Sa pagtutulungan ng hanay ng media at 2nd Infantry Division ng Philippine Army, binuo ang 2ID Defense Press Corps (2IDPC) kasabay ang isinagawang fellowship na ginanap sa Camp General Mateo Capinpin, Tanay, Rizal nitong ika-13 ng Hunyo.

 2ID defense press corps

Sa atas ni Major General Rodel Santos, commander ng 2ID, sinimulan sa isang welcome remarks ni Lt. Col. Oliver C. Maquiling, assistant chief-of-staff ng civil-military operations (CMO) ng nasabing division ng Philippine Army,ang nasabing aktibidad.  Naging kasama ni Maquiling sa naturang gawain sina Lt. Col. Rodolfo A. Gesim, hepe ng CMO Battallion, Major Arnold I. Gasalatan, Public Affairs Office (PAO) chief ng 2ID at iba pang mga army officials at personnel ng nabanggit na dibisyon.

Isinagawa rin ang isang masayang Team Building at Zip Lining na nilahukan ng mga media personalities mula sa iba’t ibang pahayagan at radio stations sa rehiyon ng CALABARZON at MIMARO na sakop ng 2ID.

Kasunod nito ang Fun Shoot na kung saan, nagkaroon ng apat na grupo ang mga nagsidalong mamamahayag media at army para sa isasagawang shooting competition gamit ang baril na kalibre .45 sa loob ng Firing Range ng 2ID bago dumako sa isang Boodle Fight o isang salu-salong pagkain sa isang mahabang mesa.

Mula sa hanay ng media na kaanib sa 2ID Defense Press Corps (2ID-PC), hinirang ang mga opisyales na mamamahala sa nabanggit na grupo.

Ang mga nahirang na opisyales ay sina Anna Pauline D.C. Mojar ng Headline Ngayon, president; Josephine D. Escovidal ng 90.3 Magic Expose’, vice-president for print; Sol A. Luzano ng DZJV 1458, vice-president for broadcast; Elizajerreth D. Quinto ng Kastigo News, secretary; Alicia L. Catapang ng PNA, treasurer; Michelle R. Cedeno ng DZJV-AM, auditor; at Gideon M. Gapayaw ng PIA-Rizal, PRO.

Sa hanay ng Board of Directors naman, hinirang sina Bernard A.Veluz ng Bandera Pilipino; Jose D. Fabros, Jr. ng Herald News Update; Juancho R. Mahusay ng Philippine Star; Leo A. Verayin ng Ruralite News Weekly; Michelle H. Aguinaldo ng Radyo Natin-Gumaca; at Jenny P. Glifonea ng 90.3 Magic FM-Lucena.

Ang mga nabanggit na officers at directors ay nanumpa ng kanilang katungkulan sa harap ni Col. Vicente Gregorio B. Tomas, chief-of-staff ng 2ID, at ayon dito, ang ugnayan ng media at kasundaluhan ay isa lamang sa bahagi ng programang pangkapayapaan ng Armed Forces of the Philippines.  (Ni BERNARD VELUZ at CHOY MAHUSAY)

Share

Leave a Reply

Connect with Facebook

*