Partido Sandugo sa Roxas at Bulalacao nanumpa na kay MTC Judge Lui

POSTED: Tuesday, June 25th, 2013

PINAMALAYAN, Oriental Mindoro – Pormal na nanumpa ang apat na panalong kandidato mula sa Partido Sandugo, provincial political party sa Oriental Mindoro sa headquarters nito sa bayan ng Pinamalayan noong Hunyo 14 kay Pinamalayan Municipal Trial Court Presiding Judge Rosalie A. Lui.

 

Sina Juanito Bacay Jr. at Ramil Dimapilis sa bayan ng Roxas bilang Sangguniang Bayan (SB) members doon, ganun din sina Dennes Faner at Dexter Gonzales naman ang nanalo sa bayan ng Bulalacao.

Sa bayan ng Roxas, 22 ang kandidato ang naglaban mula sa iba’t ibang pang-nasyunal na partido pulitikal.  May 8 kandidato ang Liberal Party; 7 independiente at 7 taga-Sandugo.  Sa Bulalacao ay may 19 na kandidato, 9 mula sa LP; 7 ang independiente; isa sa UNA at dalawa (2) sa Sandugo.

May dalawang bokal ang Sandugo na uupo sa Sangguniang Panlalawigan bilang kinatawan ng segunda distrito.  Ito ay sina Manny Andaya at Mae Arlene Talens.

Ayon sa grupo ng Sandugo, by principle, stands by the precept that development in Mindoro is in the hands of the people of Mindoro. A Mindoreño, with deep commitment towards the organization, the island of Mindoro and its people, its principles and objectives; where one does what one can do on his own.”

Higit sa lahat, faith in God, that human beings were created and vested by him with freedom and dignity. (Ni Ruel Basco Mazon / Capitol Press Corps at MPPCI Director)

Share

Leave a Reply

Connect with Facebook

*