GULPI DE ULAT : PINTADOS OF UNCERTAIN FUTURE

POSTED: Tuesday, June 25th, 2013

Kirot sa puso ng katutubo

Ni Ruel Basco Mazon

Capitol Press Corps and MPPCI Director

 

“Un ang making pagkakamali nila ung tinanggal ang sandugo. Hind man lang sila nagsangguni o nagsabi saming mga katutubo na dapat sna isangguni muna samen.” Ito ang itinex sa pitak na ito ilang lider Tadyawan. Pintado ng hinanakit ang grupo sa paglaho ng terminong “sandugo o sanduguan” na sila mismo ang humaplos nito sa kasaysayan ng Mindoro.

Walang makapagsabi ni isa mang Mindoro historian kung saan dinukal ang Pandanggitab. Ni sa lugawan ay hindi kilala, palengke o barber shop. Matagal ko rin sinaliksik at ikumpara kung alin ang dapat tatak ng Mindoro. Kulang na lang na isangguni ko sa isang espiritista ang mala-pantasyang tunggalian ng sandugo at pandanggitab.

Sa aklat ni Teodoro A. Agoncillo na Kasaysayan ng Bayang Pilipino 1st-4th edition nahagip niya ang papel ng sandugo sa kasaysayan ng Mindoro. (page 41) The inter-baranganic relations consisted on carrying on commerce between barangay and in agreements concerning friendship and alliance. A treaty of friendship and alliance was concluded by means of the blood compact or sanduguan in which the contracting parties drew blood from their arms and mixed the blood thus drown with wine in a cup. The contracting parties then drank from the same cup, thereby making them “Blood-brothers.

Ito dapat ang preserbadong kultura na hindi na kailangan ang mga preservatives sapagkat nasa dugo at isipan natin ang makasaysayang pangyayari. Kung sa Bohol ay nagsanduguan sina Miguel Lopez de Legaspi at mga ninuno nang dumaong sila doon, sila’y mananakop.  Ang Tsinong dumaong sa Mindoro ay may dalang komersiyo. Nakipagkalakalan. The said events were the teachers of our nation.

Sabi ng ilang manunulat, the festival is the meeting of indigenous people divided geographically but united by heritage and cultivates the rich indigenous culture that has been preserved. Sinasariwa o naglalarawan ng katutubong pamumuhay o mga halaw na aral sa buhay.

Sanduguan ang tawag noon. Ito na ngayon ang “Memorandum of Agreement” na computerized para mas malinaw- sa pagitan ng dalawang partido na minsa’y notaryado pa o subscribed para maging legal. Tipong obligation and contract (oblicon sa Law course).

Hindi pa natututunan ng mga ninuno ang sistemang ng pagsulat, sa pamamagitan nga lamang ng bukang bibig o pagbigkas nito, nalilipat-lipat kadalasa’y pagsasaawit, pagsasakwento o pagsasadula. Bawat lalawiga’y may sariling identidad bilang pagkakakilanlan. Sa Mindoro ay sandugo ang kinikilala.

Kilala ang Gresya, kahit gumuho noon ang kanilang sibilisasyon na pinag-aaralan hanggang ngayon sa kolehiyo. Si Homer na nagtiyagang sumulat ng walang kamatayang epiko na Iliad. Ang India sa kanilang Mahabharata at Ramayana. Beowulf naman kay Shakespeare ng Inglateria.

Hanggang ngayon, pinag-aaralan ng mga estudyante ang katanyagan ng Sandugo sapagkat taglay nito ang lantay na diwang Mindoreno at walang-hanggan. Hindi dapat mangyari na ang manunulat ng kulturang Mindoro ay maging ganap na malayo at tuluyang mapalayo. Love-hate ang nararamdaman ngayon ng mga katutubo o may puot na pagmamahal.

Matagal ko ng alam ang ganitong kwento, humanap lamang ako ng katibayan kung nakasulat nga ito sa kasaysayan na kung sakali’t ako’y dikdikin sa pitak na ito’y may ebidensiya akong itatapal. Sabi nga “be sure you know all the facts, so that your evidence is not merely circumstancial.” Pandanggitab? Come on! Repleka ng mga mangingisda na tinatanglawan ng gasera ng asawang babae papuntang aplaya. Nasaan ang sustansiya nito sa kulturang Mindoreno? Non-sequitor.

Traveling merchant ang tawag sa mga tsinong dumaong sa Mindoro. Chinese were called “Sangley or Xiang +Ley na may dalang kalakal na beads, silk, textiles and porcelain wares. Sa “The Philippines a unique nation ni Sonia M. Zaide page 160–  the first recorded contact between Chinese and Spaniards was on May 8, 1570 off the coast of Mindoro;

On that day, the Spanish expedition led by Marshal Martin De Goiti, happened to stop in Mindoro on its way to Maynilad. At that time two Chinese trading junks were at anchor off Mindoro. Those approaching Spanish vessels were going to attract them, registered by firing rockets and culverins. A sea fight ensued, in which Goiti captured both Chinese junks. Upon finding out that the Chinese were peaceful traders, not hostile enemies, Goiti set them free and returned their cargoes of trade goods.

Sa aklat ni F. Landa Jocano-The Filipino Prehistory page 149….in central Philippines, Mindoro figured predominantly in the trade traffic of the early days. Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya, kundi pag-ibig sa tinubuang lupa

Ang sandugu(an) ay bahagi pala (talaga) ng kasaysayan at panitikan (oral) at nakasulat (written). Hanggang ngayon, bukambibig  ng mga katutubo kapag tatapat sa bahay-bahay “sandugo bili na kayo ng dapo.”  Maaaring sa kanila galing ang kutang-kutang na uri ng panitikang nakasulat: “Kung di kita kamta’t, kamtan ka ng iba, magbibigti ako ng tali sa paa.” Wala akong narinig mula sa kanila na nagwiwikang “pandanggitab bili na kayo ng bila-o.”

Ang festival na dapat isasadula sa isang lalawigan ay nakabase sa history (nakaraang pangyayari na kalimita’y base sa relihiyon) na nakasulat hindi ngayong gumagawa pa lamang ng kasaysayan. Mismong ang ating kasandugong Occidental Mindoro ay Sandugo festival pa rin mula noon hanggang ngayon. Ang mga pulitiko doo’y nagpapatayan pero hindi nila pinatay ni ginalaw ang kinagisnang cultural heritage-Sandugo festival.

Pero ako’y taka, pagkamulat na nang aking mata, sanduguan festival na. Naging MAHALTA at ng ako’y nalingat lang ng konte, aba’y lintog yan, Pandanggitab na. Kumukutitap tuloy sa aking isipan na marami pang festival(s) ang parating depende sa mga bagong lider pulitikal at dadalhin ko kayo sa isang konklusiyon-our cultural heritage? Slave of an uncertain future.

Pagsang-ayon lang ba ng iilang Sangguniang Panlalawigan, sapat na para baguhin ang pamanang kultura base lang sa isang resolution – merely a declaration of a sentiment or opinion of a law-making body on a specific matter?  Bakit hindi ang sentimiento ng katutubo ang inuna bago pagtibayin ang walang kasiguruhang pandanggitab ni walang kalatuylatoy na konsepto. Pati mga nasa educational Institution, ang tanggapan ng NCIP ng lalawigan dapat kinulsulta. Marami tayong kinunsulta sa kanila lahat ayaw ng pandanggitab.

May kirot sila sa puso, ang mga katutubong mangyan na hindi sila sinangguni dahil alam nilang unti-unting pinapatay ang kulturang matagal nilang inalagaan. Tayo pa palang taga patag na inaasahan nilang magtataguyod nito ay suspek sa dahan-dahang pagpatay ng Sanduguan festival. Baka isipin nila na tayo’y nahihiya lamang para sila palayasin sa Mindoro? Hindi naman siguro mga kapatid!

Ang alam ko, dalawa ang kamay ng katutubo: isang bukas ang palad sa pakikipagkapatiran  at isang nakakuyom para sa mapagsamantala. Ang tanong, ni isa bang Bokal ay walang kumontra ni ipinagtanggol man lamang ang Sandugo? Kung wala, sinong magtatanggol sa inyo ngayong 2013 national election? Kuyom na palad ang aabutin nyo mula sa kanila.

Ito pa ang sabi ng ating mga kaibigang katutubo, “Iyan ns pleasure ng nk pwesto. Kung my puso cl pr s mangyan, itoy pha2lghan at pra2ngalan” (sent: 5-Den-2012 16:18:20). Himutok ng isang lider Tadyawan. Saan tayo lulugar, to live under the adopted resolution that will neglect and disregard the basic root of our culture, or to live under the preserved integrity adopted by majority of ruling Mindoreno?

 

Should I say, I beg you think of the tears that will flow down their checks, of the bitterness in their heart and of the degradation to which they will be subjected when they are exposed to so much intrigue of politics. (Excuse me folks).

 

ANG SANDUGUAN FESTIVAL, BACKGROUNDER

Sa bagong henerasyon, ang Orienral Mindoro had once an annual festival coinciding with the province’s founding anniversary called the Sanduguan Festival. It is an enactment of the barter trade the Mindoro natives had with the Chinese traders. It is a celebration of the Chinese and the Mindoreños industry and hardwork and both their abilities to build and create fellowship and brotherhood. The Sanduguan festival came to an end when the late Governor Marasigan adopted other festival instead.

It could have been the festival of all festivals simply because of the active and committed participation of practically all municipalities during its last performance and the considerable mileage it received from the local and national tri-media.

 

ANG SANDUGO FESTIVAL, SUGGESTION

The outbound Chinese tourism has improved immensely since 2009. With its massive population and rising incomes, over a 100 million Chinese tourist are expected to be traveling annually. More importantly, these Chinese tourists are willing to spend billions of dollars. Thus, if we want a big chunk of their number to visit us, we ought to create a viable, feasible opportunity and chance. The essence of the Sandugu(an) Festival must again be revive or any festival comparable and akin with its objectives. The legendary Sandugo festival- is a better suggestion my dearest fellas.

 

VALUABLE CONTRIBUTION

Filipino-Chinese relation recently (up to now) had improved a little for the past months on the issue on Panatag Shoal but this bilateral relation needs more vigor and excitement. The Sandugo Festival will definitely give rise to stronger bond and remarkably stimulation diplomatic rapport.

Moreover, it is but fitting and appropriating to cite the great multiplier effect of tourism. We need more job opportunities locally and more tourists mean more tourism revenues. Though lately there is an increase in visitor arrival (visitor arrivals for the first quarter of 2012 reached more than 1.1 Million, DOT). A million tourist is so remote and far-off as compared to the 100 millions of Chinese willing to travel elsewhere.

 

PROPOSED SANDUGO HIGHLIGHTS (Focal activities):

Re-enactment of barter trade (Chinese and Mangyans)

Parade of Oriental Mindoro Festival Floats and portrayal of Chinese Festival (Spring Festival, Dragon Boat Festival, Lantern Festival or pandanggitab festival ect.).

Street Dancing with the Chinese Dragon Dancers/katutubong mangyan dance

A month-long Trade Fair and Technology Transfer, a trade show exhibiting Chinese and Mindoro products and how they are made up and produced.

Sports Festival

Culinary Fair, a show of Filipino and Chinese fine food and a competition of finest Chinese and Filipino Chefs

Fireworks Challenge

Municipals/Cities Partnership Program

Ang lahat ng ito’y suggestion lang mula sa nag-aalab na damdamin, bago pa tuluyang sumapit ang hamog sa turismo ng lalawigan. (Part one)

Share

Leave a Reply

Connect with Facebook

*