Kauna-Unahang Gaisano Mall Sa Luzon, Itatayo Na Sa Calapan

POSTED: Wednesday, August 1st, 2012

Hindi na nga maikukubli ang tagumpay ng Lungsod ng Calapan sa larangan ng imprastraktura at ekonomiya nang pormal na ganapin noong ika-19 ng Hulyo ang Groundbreaking Ceremony ng kauna-unahang Gaisano Mall sa Luzon na itatayo sa Barangay Tawiran.

Kaugnay ng pagpapatayo ng tanyag na Gaisano Mall sa Barangay Tawiran, tinatayang aabot sa pitong (7) buwan ang magiging konstruksyon nito na mangangailangan ng humigit-kumulang sa tatlong daan (300) manggagawa at higit sa limang daan (500) empleyado naman sa panahon ng pagbubukas nito sa first quarter ng susunod na taon

Ang Gaisano Mall ay kinikilala bilang isa sa mga pinakamalaking shopping mall chains sa bansa na tanyag sa Visayas at Mindanao at nagsimula sa Cebu City.

Pinagtibay ang pagpapatayo ng nabanggit na shopping mall sa Barangay Tawiran sa presensya nina Gaisano Capital, Inc. President Henry Gaisano II at Vice-President for Operations Bobby Legara.  Kasama sina Punong Lungsod Doy Leachon, Vice-Mayor Jojo Perez, mga opisyal ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan at mga Barangay Captains, naging matagumpay ang Groundbreaking Ceremony para sa nabanggit na 2-hectare mall na tinatayang aabot sa pitong (7) buwan ang konstruksiyon.

Kaugnay nito, mangangailangan ang mall ng humigit-kumulang sa tatlong daan (300) manggagawa sa panahon ng konstruksiyon at higit sa limang daan (500) empleyado naman para sa operasyon nito kapag ito ay nagbukas na sa first quarter ng susunod na taon. Ang lupang pagtatayuan ng pamilihang ito ay nabili ng Gaisano Capital, Inc. kay Gng. Emelita Luna-Goco. Maglalaman ito ng 20 stores kabilang na ang amusement center at supermarket.

Matapos ang Groundbreaking Ceremony sa Brgy. Tawiran, agad itong sinundan ng isang masaganang tanghalian para sa mga bisita sa Max’s Restaurant. Dito, ipinahayag ni Gaisano Capital, Inc. President Henry Gaisano II ang kaniyang pagkatuwa sapagkat isa na namang mall ng kanilang kumpanya ang itatayo at ngayon ay magsisimula na sila sa Luzon area. Pinasalamatan niya ang pamunuan ni Mayor Leachon dahil sa mainit na pagtanggap ng mga Calapeño sa kanila at sa tulong na ipinagkakaloob nito upang mas mapabilis ang proseso ng kanilang pagtatayo ng pamilihan.

 

Samantala, lubos namang nagpapasalamat si Mayor Leachon sa pagpasok ng isa na namang malaking investment sa lungsod na tiyak na makapagbibigay ng maraming trabaho para sa mga Calapeño. Bukod dito, masaya rin siya para sa mga mamamayan ng Calapan dahil abot-kamay na ang mga produktong dati ay sa Mainland Luzon lamang mabibili.

Ayon naman kay Gaisano Capital Vice-President for Operations Bobby Legara, bilang kauna-unahang Gaisano Mall branch sa Luzon, ang kanilang korporasyon ay lubos na nagtitiwala sa kakayahan ng Lungsod ng Calapan maging sa Pamahalaang Lungsod dahil sa kapabilidad nitong humawak ng ganito kalaking investment. Sabi niya, kinakitaan ng kanilang kumpanya ang maliit na siyudad ng Calapan ng potensiyal na makipagsabayan sa maraming mauunlad na lungsod sa bansa kaya naman hindi sila nagdalawang-isip na ipatayo sa syudad ang nabanggit na mall.

Ang bagong negosyong ito na kasabay na itinatayo ng Pure Gold sa Calapan ay nagpapatunay na talagang Business Friendly at Competitive City ang lungsod.

Share

Comments (4)

 

  1. Mufidach says:

    ive been to Gaisano Mall in Cebu way way back- didn’t know they have other branches in the Visayan rioegn.. and now they’re hosting a “Got Talent” show, they must be as big as the SMs of GMAYour newest follower here via PMB, droppin by to spread some sweets. Ciao:)

  2. kim caayon says:

    Hi!
    Kim here from puerto galera,

    How much is the rent for the stall unit in gaisano mall…

    Hope to hear from you….Godbless….

  3. pwd po bang mag-appy, may hiring pa po ba?
    THANK YOU PO!! :-)

Leave a Reply

Connect with Facebook

*