RGV, chairman ng Liberal Party Sa 1st district ng Oriental Mindoro

CALAPAN CITY – Si Congressman Rodolfo G. Valencia ang kasalukuyang chairman, o tagapangulo, ng Liberal Party sa unang distrito ng lalawigan ng Oriental Mindoro.


Ito ang nakasaad sa katibayan o sertipikasyong inisyu nitong Mayo 16 ni Ma. Gladys C. Sta. Rita, LP director-general, bilang tugon sa paglilinaw ng ilang konsernadong sektor sa hanay ng pamunuan sa Oriental Mindoro ng nasabing partido ni Pangulong Benigno C. Aquino III.

Ayon sa sertipikasyong nilagdaan ni Sta. Maria, si Congressman Valencia, na kinatawan ng unang distrito ng lalawigan sa Kongreso, ang “duly appointed Liberal Party chairman” para sa nasabing distrito.

Matatandaan na noon pang Disyembre 2010 naitalaga si Valencia sa naturang posisyon sa LP, na itinuturing ngayong ruling party sa bansa.

Samantala, kaugnay nito, nakatalaga naman bilang LP chairman sa Oriental Mindoro si Gobernadaor Alfonso V. Umali, Jr.; at puno naman ng nabanggit na paritdo pulitikal sa ikalawang distrito ng lalawigan si Congressman Rey Umali at Mayor Salvador “Doy” Leachon, LP chair sa Calapan City.  (Ni JUANCHO MAHUSAY)

Tags: ,

Share

Comments (1)

 

  1. Alyu says:

    admin:i know at d ko xa nakita kase tulog na agad ako sa pagod. hahhaa and i saw your photos nlng in FB and it’s super napa anga ako. i miss traveling w/ you guys,kaka miss ang luto mu. lol excited na ako maksama kau uli, kita kits tau sa aklan nxt yr ah. will be traveling w/ Marcos nxt yr, stay uli ako sa knla cguro.

Leave a Reply

Connect with Facebook

*