Sports development ng lalawigan, patuloy na susuportahan ni Nico

Sa pagbubukas ng ‘Nico P. Valencia Badminton Cup,’

CALAPAN CITY – Patuloy na sinusuportahan ng K4 Movement, sa pangunguna ng pangulo nitong si Nico P. Valencia, at ni First District Congressman Rodolfo G. Valencia, ang youth and sports development o ang pagpapaunlad ng kagalaingan ng mga kabataan at palakasan sa lalawigan ng Oriental Mindoro.

Ito ang buod ng mensahe ni Nico Valencia sa kanyang pagbisita sa pagsisimula ng Nico Valencia Badminton Cup na ginanap sa Masipit Badminton Court sa lungsod na ito noong Mayo 14.

Ayon sa batang Valencia, bahagi ng pangkabuuang sports program ng K4 ang pagsusulong ng mga katulad nitong isports na laang magpaunlad ng kakayahan ng mga Mindorenyo sa palakasan kaagapay sa pagpapaunlad ng lalawigan.  Ang K4 Movement ay ang flagship program ni Congressman Valencia na tumatayo sa “Kabuhayan, Kaunlaran, Kinabukasan at Kalikasan.”

Sa kanyang mensahe sa pagsisimula ng naturang badminton cup, pinasalamatan din ni Nico ang mga nagtaguyod nito.  Bukod kay Nico Valencia, ang nasabing paligsahan sa badminton ay itinataguyod ng mag-asawang Efraim at Malou Morillo, at ng Tamaraw Smashers of Oriental Mindoro.

Samantala, bukod sa badminton at iba pang isports, ipinahayag ni Nico partikular na tinututukan din ng K4 Movement ngayong taong ito ang pagpapatupad ng mga boxing tournament sa iba’t ibang bayan sa Unang Distrito ng lalawigan dahil ayon kay Valencia, sinabi umano sa kanya ni world boxing champion at Saranggani Congressman Manny Pacquiao ang kagustuhan nitong makadiskubre ng susunod na kampeon sa larangan ng boxing at ito umano ay dapat na manggaling sa Oriental Mindoro.

Si Nico ay isa sa mga malalapit na kaibigan at tagapayo sa pulitika ni boxing idol Manny Pacquiao.  (Ni JUANCHO MAHUSAY)

Tags: ,

Share

Leave a Reply

Connect with Facebook

*