“Sangguniang Panlungsod Sa Barangay” Bumisita Sa Camansihan

Sa pangunguna muli ni Calapan City Vice-Mayor CA Jojo S. Perez, isinagawa sa pangalawang pagkakataon ang programang “Sangguniang Panlungsod sa Barangay” sa Camansihan noong ika-1 ng Marso 2011.

Layunin nitong maisakatuparan ang pagkakaroon ng mas malalim at abot-kamay na ugnayan sa pagitan ng mga opisyal at mamamayan ng barangay at ng Sangguniang Panlungsod (SP) ng Calapan.

Naging usapin sa nasabing sesyon ang rehabilitasyon ng Sta. Isabel Day Care Center, pagbubukas ng categorized landfill sa Brgy. Batino at ang konstruksyon ng Calapan Recreational and Zoological Park footbridge sa Brgy. Bulusan.

Ayon kay Vice Mayor Perez, upang higit na maisulong ang layunin na mapalapit ang konseho sa malalayong barangay, magpapatuloy ang programang ito hanggang sa malibot ng SP at 62 barangay ng lungsod. Pag-uusapan din ang ilan pang mga proposed ordinances sa tungo sa higit pang ikauunlad ng lungsod, sa mas maayos, mabilis at may pag-kakaunawaang pamamaraan.

Taos-puso namang nagpasalamat ang mga taga-Barangay Camansihan lalo na ang mga opisyal sa pangunguna ng kanilang Punong-Barangay na si Pedro Dinglasan. Anila, isang malaking karangalan ang maging bahagi ng nasabing sesyon tungo sa mithiin ng “Ang Bagong Calapan.”

Tags: , , ,

Share

Leave a Reply

Connect with Facebook

*