Sino ba ang kikilos para sa atin?

POSTED: Tuesday, February 22nd, 2011

Mindoreños are often say that our province has been so far yet compare to other developed places in the country.  But the development is not just something to say, it is something to create!

Pagkatapos ng maraming taon na pagtratrabaho ng ate ko sa Maynila ay nagkaroon siya ng pagkakataong makapunta sa bansang Japan sa tulong ng aking bayaw na hapon. Mahigit limang taon siyang namalagi doon. Nang siya ay muling bumalik dito sa Mindoro nooong nakaraang taon isa sa naitanong ko sa kaniya, “saan ka nahirapan sa pamumuhay mo sa ibang bansa”?”

“Alam mo Mey, hindi ako nahirapang mag-adjust sa pagkain at maging sa kultura kasi flexible naman ako,pero higit akong nahirapan sa pagtatapon ng basura. Iba kasi ang pamamaraan nila doon ng pamamahala ng basura. Mataas ang pagrespeto nila sa kalikasan. Mahigpit ang pagpapatupad nila ng “waste segregation. Tulad sa atin, mayroon ding araw ng paglalabas ng basura. Pero hindi katulad sa atin, dahil dito sa atin walang waste segregation.”

Sabi pa ng ate ko kapag hindi mo ginawa ang segregation hindi ito hahakutin ng mga basurero at maiiwanan ang basura mo na nakalagay sa isang  garbage can. Nakakahiya dahil ang lahat ng plastic ng basura mula sa mga bahay ay mayroong mga pangalan.Kaya malalaman ng mga kabit bahay mo kung kaninong basura ang naiwan.

Minsan daw nangyari,, na ang basura niya ay iniwan ng mga basurero. Nagtataka raw siya dahil ito naman ay kaniyang isinaayos. Pero noong kaniyang muling buksan ang plastic niya ng basura upang tingan kung bakit iniwan, natuklasan niya na sa balumbon ng mga papel ay mayroong napasamang pinaggupitan niya ng balat ng shampoo.

Noong bago pa kami sa Barangay Lalud, natuwa ako dahil mayroong ordinansa ang City Government ng “waste segregation.” Ako, ang asawa ko pati mga anak ko at mga kasambahay ay matiyaga at maingat na nagsasagawa ng pagbubukod-bukod ng basura mula sa nabubulok at hindi nabubukok.  At hanggang sa ngayon ito ay aming ginagawa. Pero ang nakakalungkot, waring ang mga taong nagpapatupad ng batas na ito ay tinamad na rin sa pagtuturo sa ating mga kababayan na maipatupad ng maayos ang ordinansang ito. Kaya din naman ang mga tao ay tapon dito tapon doon.

Simulan na sana nating isaayos ang ating mga pananaw. Kung kaya nating pumagitna sa kalsada at sumigaw ng pagtutul sa pagkawasak ng ating kaliksan, bakit hindi natin magawa ang simpleng pagsasaayos ng ating mga sariling kalat?

Saan nga kaya magsisimula ang magandang pagbabago? Sa gobyerno ba o sa mga mamamayan? Para sa akin po, ito ay dapat magsimula sa ating sarili! (Mey F. Valenzuela)

Tags:

Share

Comments (1)

 

  1. Ezgi says:

    Naloka ako sa ending. Syempre nagumkha nanaman akong silly dito sa office dahil bigla akong napatawa. Pero walang biro, BatJay, ganda ng boses mo! Dapat nag-videoke pala tayo nung nandito kayo ni Jet eh!

Leave a Reply

Connect with Facebook

*