60th Founding Anniversary, pinaghahandaan na

Nagsimula nang magpulong ang binuo na iba’t ibang komite para sa nalalapit na pagdiriwang ng ika-60 Anibersaryo ng pagkakatatag ng Oriental Mindoro sa Kapitolyo noong isang linggo.

Pinangunahan ang pagpupulong ni Gob. Alfonso V. Umali, Jr. kasama sina Provincial Administrator Angel Saulong, Executive Assistant Doc. Marphe Marasigan,  League of Municipalities President Mayor Wilfredo Hernandez, Calapan City Mayor Salvador Leachon,  Bokal Patrick Dela Rosa at OIC PNP Provincial Director Dennis Pena..

Bagama’t  hindi pa pinal, nakaplano na pitong araw na ipagdiriwang ang mahalagang araw na ito na nakatakdang simulan sa Nobyembre 9.

Sa unang araw, Nobyembre 9, nakatakda ang mga gawaing Takbo sa Kalikasan, Takbo sa Kalusugan kung saan kaakibat nito ang Plant and Grow a Tree na isasagawa ng mga kawani ng pamahalaan. Pormal ding ilulunsad sa araw na ito ang Anti-Smokin Campaign at ang Agro-Industrial Trade Fair.

Sa Nobyembre 10, ikalawang araw, isasagawa ang Oriental Mindoro Singing Idol  at  DEPED Day

Nobyembre 11, ikatlong araw, isasagawa ang unang bahagi ng Job Fair at ang Ten Outstanding Young Men

Nobyembre 12, ikaapat na araw, masasaksihan ang grandfinals ng Intertown Basketball Tournament, ang parangal sa Outstanding Policemen at Outstanding PPSKa Teachers at ang ikalawang bahagi ng Job Fair

Nobyembre 13, ikalimang araw, mapapanood ang taunang inaabangang Search for Ms. Oriental Mindoro at ang pagpapasinaya sa bagong gusali ng Calapan Public Market.

Nobyembre 14, ikaanim na araw, muling mapapanood ang Pandanggitab. Isasagawa rin ang Boxing Tournament kung saan pinaplanong imbitahan si Manny Pacquio para siyang magbigay ng premyo sa mananalo. Pinaplano rin ang pagsasagawa ng exhibition game kung saan iimbitahan ang grupo ng showbiz personalities at ilalaban sa magkakampeon sa Intertown Basketball tournament.

Nobyembre 15, ikapitong araw,  ang inaabangang Mahalta Festival ay masasaksihan sa umaga at ang Mardigras sa gabi na sisimulan ng Fireworks Display.

Ang mga nabanggit na gawain ay maaari pang mabago sa mapagkakasunduan sa ilan pang seryeng isasagawang  pagpupulong hinggil dito. (Provincial Information Office)

Tags: , ,

Share

Leave a Reply

Connect with Facebook

*