4.7 milyong pamilyang Pilipino ang sumasala na sa oras ng pagkain

POSTED: Friday, August 6th, 2010

Nakakabahala ang datus na inilabas ng GMA-Channel 7 tungkol sa mga Pilipinong sumasala na sa oras ng pagkain sanhi ng kahirapan.  Sa mga video footages na ipinakita ng nasabing network ay hindi biro ang nalamang 4.7 milyong pamilyang Pilipino na pala ang malimit na hindi na nakakatikim ng kanin sa araw-araw.

Sinasabing sila ‘yong mga walang regular na mapagkunan ng pagkakakitaan.  Sila rin ‘yong mga namumulot na lamang ng mga tirang pagkain sa mga basura.  Wala ring permamenteng tirahan ang mga ito.  Sila ay nakatira lamang sa mga kariton sa gilid ng mga kalsada o kaya naman ay sa mga istrakturang guho at wala nang gumagamit.  Karamihan sa kanila ay matatagpuan sa mga lungsod tulad ng Maynila.

Saan ba kukuha ang Administrasyong P-Noy ng pera upang tugunan ang pangangailangang ito?  Paano sasagipin ng gobyerno ang 4.7 milyong bibig na ito ng mga Pilipino?

Samatalang namamatay ang kapwa Pilipino sa gutom ay patuloy naman sa pagre-reklamo ang ilang mga makakaliwang grupo.  Sila ‘yong mga Pilipinong ang trabaho lamang ay magbantay ng mali at pumuna sa galaw ng ating pamahalaan.  At ang mga taong  ito na sumisigaw ng katarungan ay ang mga taong hindi nagbabayad ng buwis.  Sila rin ang mga taong nagsasabing tagapangalaga ng moral at dignidad ng tao.  Tagapagtaguyod umano ng kabanalan at pag-ibig.

Kaya nga lamang sa aking pagtingin, kung sisilipin natin ang katotohanan, dalawa lang talaga ang mukha ng Kristiyanismo sa Pilipinas – isang pumupuna at isang nagdidikta.  Wala pa akong kilala o nalamang Kristiyano na namatay sa gutom dahil ang pagkain niya ay ibinigay sa kapitbahay na walang makain.

Kapag nagugutom ang tao, hindi na ’yan kikilala pa ng moralidad, katarungan at pag-ibig.  Nagiging manhid sa kahihiyan at panganib ang taong nagugutom.  Kaya sa tingin ko, kailangang gumalaw ang Simbahang Katoliko sa paglutas ng kagutuman.  Sapagkat ang kagutuman ay hindi lamang usapin ng kumakalam na sikmura, ito ay usaping pananagutang moral.

Hindi sapat na pumuna lamang sa mali at magdikta ang Simbahan sa pamahalaan sa mga bagay na dapat nitong gawin.  Dapat maging instrumento rin ito sa tamang paged-desisyon kung paanong makakaahon ang Pilipinas sa kahirapan.

Sa isang banda, nakatitiyak akong umiiyak ang Diyos sa kalagayan ng 4.7M pamilyang nagugutom na Pilipino habang nanonood lamang ang milyun-milyong Kristiyano.  (JMV)

Tags: ,

Share

Comments (1)

 

  1. nonna says:

    But, realistically pneakisg, you cannot expect everyone to think as you do. Certainly in a free state (this is of course rather vague, but let us assume by free’ we mean being able to do what one wants as long as it does not transgress other people’s rights) one has the right to be stupid. These people may know their usual duties as citizens, i.e. vote, follow traffic rules, not steal, etc. but cannot be bothered about other issues despite what you may say about ideal citizenship. After all, looking at this country’s civic education, it is partly not their fault.And I do not mean to imply anything by writing in English. I am Pinoy but English is my first language and (this you may find unfortunate) has always been the language of my education. Please do not abhor me. You must know that unfortunately the human brain finds it difficult to learn a language late in life unless one is a linguistic genius. I can understand Filipino, of course, but my mind works slowly. I considered answering in Filipino, but I may not put it correctly and you may abhor me all the more.

Leave a Reply

Connect with Facebook

*