Pamahalaang Lungsod ng Calapan, ISO Certified Na!
LUNGSOD KAHANAY NA NG IILANG MAY PANG-INTERNASYUNAL NA KALIDAD NG PAGLILINGKOD
Isang malaking karangalan para sa Lungsod ng Calapan ang natanggap na sertipikasyon ng Pamahalaang Lungsod noong ika-29 ng Hunyo 2010 na nagpapatunay sa pagkakaroon nito ng quality management system na pumasa sa pamantayan na hinihingi ng Certification International Philippines Inc. (CIPI).
Ang International Organization for Standardization o ISO ay isang organisasyon na naglalaan ng mga batayan kung ang pamamahala ng isang unit ay maayos at maaari sa internasyonal na lebel. Nagpapairal ito ng mga international standards na kinakailangan para sa pagkakaroon ng quality management system sa isang organisasyon o opisina. Layunin nitong mas higit na mapaganda at mapalawig ang customer satisfaction sa pamamagitan ng paglalahad ng continual improvements na sasagot sa pangangailangan ng mga kliyente at gayondin sa organisasyong kinabibilangan.
Ang sakop ng ISO 9001:2008 Quality Management System Certification na ipinagkaloob sa Pamahalaang Lungsod ng Calapan ng CIPI ay ang mga sumusunod: (1) issuance of business permits and other clearances; (2) appraisal and assessment of real property and issuance of true copies of tax declaration and other certificates; (3) registration and issuance of certifications of birth, marriage and death. Matatandaan na walong departamento ng city government ang sumailalim sa masusing pagsasanay na tumagal ng limang buwan at nakapag-sumite ng isang quality manual para sa umiiral na implementasyon ng mga nabanggit na scope of activities.
Bagama’t naging mahirap para sa mga lumahok na empleyado ang mga nakaraang buwan upang masiguro na magagawaran ang Calapan ng sertipikasyon, alam ng lahat na mas malaking hamon ang mapanatiling sang-ayon sa pamantayan ng ISO ang paraan ng paglilingkod ng mga kawani ng pamahalaang lungsod sa araw-araw.
Ikinagalak naman ni Mayor Doy Leachon ang magandang tagumpay ng lungsod na natanggap. Aniya, malaki ang kanyang pangarap para sa tuluyang ikakaganda ng Lungsod ng Calapan. Sa nakita niyang sama-samang pagtutulungan at nagkakaisang magandang hangarin na makapag-bigay ng de kalidad na serbisyo publiko sa mga Calapeño, hindi malayong makamit ang inaasam na ANG BAGONG CALAPAN.
Ayon naman sa panayam kay City Registrar Nelly Asturias na itinalagang Quality Management Representative, sasailalim muli ang Pamahalaang Lungsod sa anim na surveillance audit upang masiguro na namimintina ang magandang klase ng serbisyo na nakasaad sa manual na kanilang isinumite. Dagdag pa niya, nasa walong Local Government Units o government agencies lamang sa bansa ang nabigyan ng ganitong rekognisyon.
Para sa isang maliit na lungsod na tulad ng Calapan, isang malaking karangalan ang mapabilang sa hanay ng mga magagaling at mahuhusay magbigay ng serbisyo sa buong mundo.
Tags: calapan, ISO Certification
Comments (1)




RW / Setyembre 12, 2011 Hi, Una ang mayroon kayo ng isang acoanntcut? Ano ang kanilang mga payo? Gusto mo ba talagang kailangan na ang Ltd? Paano ang tungkol sa tanging trader.In isang pakikipagtulungan? Double account at ang mga mahal upang tumakbo Ltd. Aking payo ay na kailanman bank kang pumunta sa. Tiyaking nito ng mas maliit na branch.Not isang malaking lungsod branch.You makikita itinuturing bilang isang individual.And higit pa sa isang wastong customer.The mas malaki ang customer base ng mas masahol pa sila ay. Namin sa Barclays at bagaman ang kanilang mga personal na bahagi ng pagbabangko ay ok sa best.Their negosyo banking ay kahiya-hiya. Ko ginagamit sa 4 ibang tao na nag-ulat ang malumbay na serbisyo at mga mahihirap na customer relasyon. At isa ay isang malaking firm.Not acoanntcut sa banggitin ang bureaucracy ng kumpanya. Kami ay sa HSBC. Wala ang kanilang tulong hindi namin ay sa business.Superb suporta at isang lokal na manager na nagmamalasakit. Umaasa ako na ito ay makakatulong ng kaunti … … Sumagot