Magsasakang Calapeño tinanghal bilang Palay Highest Yielder sa buong Lalawigan ng Silangang Mindoro!
Tunay nga ang paglago at pag-unlad ng programang pag-agrikultura ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan nang maiuwi ng apat na magsasakang Calapeño ang parangal mula sa 5 hinirang na Highest Palay Yielder sa buong lalawigan ng Oriental Mindoro. Ito ay naganap sa pangunguna ni City Agriculturist Carlos Domingo at ng Provincial Agriculture Office sa pakikipagtulungan ng SL-Agritech Corporation noong ika-18 ng Mayo sa FSREC Biga, Calapan City.
Masayang tinanggap ni Mang Julio Joson, Sr. ang sertipiko ng pagkilala bilang numero unong palay highest yielder kasama ang apat pang napili. Nakamit din niya ang P30,000 na papremyo mula sa SL-Agritech Corporation, ilang kilong pangpunla at mga gamit pangsaka. Samantala, sumunod naman sa ikalawang pwesto si Mang Sergio Enriquez na mula sa Brgy. Personas, Calapan City na nakapag-ani ng 200.39 cavans kada ektarya, si Efren Deguiros ng Canubing (191.13 cavans/hectare), Venerando Sanchez, Sr. ng Comunal (173.88 cavans/ hectare) at si Crispulo Mutiangpili ng Baco, Oriental Mindoro na nakapag-ani ng 171.74 cavans/hectare.
Hindi naman nagpahuli ang mga Municipal Agriculturists at Agricultural Technician ng mga magsasakang nanalo sa pagkakamit ng sariling papremyo mula sa SL-Agritech Corp.
Ayon kay Mang Julio, sipag at tiyaga lamang ang kanyang naging puhunan kaya’t naging matagumpay ang kanyang pananim na palay hanggang sa panahon ng anihan. Kasama naman niya sa tagumpay ang City Agriculture Department na siyang naging kaagapay niya sa panahon ng pag-aalaga ng mga pananim
Comments (1)




de Veyra, the voice behind Palay, Bigas, Kanin s Ang Bansa ng Pambansa tclenrey posted a funny commentary on Pinoy’s word world. Watch this video. While I hate